Kayarian ng pang-uri
1. Payak – binubuo ng salitang ugat lamang.
Ha. Bilog , pula
2. Maylapi – binubuo ng salitang-ugat na may panlapi.
§ Mga panlaping mapanuring na madalas na ginagamit:
/Ka-/ ay nagpapahiwatig ng katangian ng relasyon o pag-uugnayan ng higit sa
isang taong binabanggit sa pangungusap.
Hal. Kalahi, kasundo
/kay-/ ay nagpapakita ng katangian ng isang bagay na
inilalarawan.
Hal. Kayganda, Kaysaya
/ma-/ nagpapakita ng katangian ng pangngalan o
panghalip
Hal. Matalino, Mahusay
/maka-/ nagpapakilala ng pagkikiayon o pakikisama.
Gumagamit ng gitling kapag ito ay
ikinakabit sa pangngalang pantangi.
Hal. Makabayan, Maka-Diyos
/Mala-/ nagbibigay ito ng kahulugang kaanyo o kahawig ng anumang katangiang isinasaad
ng salitang-ugat.
Hal. Malarosas, malaprinsesa
3. Inuulit – binubuo ng salitang inuulit.
- Ganap – buong salita ang inuulit
Hal. Sira-sira
- Di-ganap – bahagi lamang ng salita ang inuulit
Hal. Matatamis
4. Tambalan – binubuo ng dalawang salitang-ugat na inuulit
- Karaniwang kahulugan
Hal. Balikbayan
- Matalinhagang kahulugan
Hal. Bukas-palad
Kaantasan ng Pang-Uri
- lantay – karaniwang anyo ng pang-uri.
ha. mayaman, pang-araro, palabiro, atb.
- Katamtaman – naipapakita ito sa paggamit ng mga salitang medyo, nang, bahagya, nang kaunti, atb., o sa pag-uulit ng salitang –ugat o dalawang unang pantig nito.
hal. Medyo hilaw, mapurol nang kaunti, masarap-
sarap
- Pinakamasidhi – Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng
1). pag-uulit ng salita (hal. mataas na mataas)
2). paggamit ng mga panlaping napaka-, nag-…-an,
pagka- at kay-. (hal. napakalamig)
3). sa pamamagitan ng salitang (hal. Masyadong
nasalanta ng bagyo…)
No comments:
Post a Comment